Pahayag sa Media

Nagbibigay-buhay sa mga programa ang mga kuwento mula sa mga kalahok—na nagpapakita kung paano sila gumagana at sino ang nakikinabang. Upang mapadali iyon, nagbabahagi kami ng mga larawan, video, at materyales na nagbibigay-diin sa aming trabaho at komunidad.

Sa pagpayag sa pag-release na ito, binibigyan mo ng pahintulot ang San Diego Community Power, San Diego Regional Energy Network, at ang mga kaanib nitong partner na kunan ng larawan, i-record, o kung hindi man makuha ang iyong imahe, wangis, boses, at mga pahayag na ginawa habang aktibo sa programa. Binibigyan mo rin ng pahintulot ang San Diego Community Powerna ibahagi ang mga materyales na iyong gagawin habang nagtatrabaho ka sa amin, tulad ng mga larawan, video, nakasulat na nilalaman, presentasyon, ulat, likhang-sining, o mga katulad nito. Pinahihintulutan mo ang San Diego Community Power na gamitin ang mga materyales na ito, nang buo o bahagi, para sa mga layuning pang-promosyon, pang-edukasyon, at pang-impormasyon, kabilang na ngunit hindi limitado sa mga post sa social media, nilalaman sa website, mga nakalimbag na materyales, ulat, at case studies.

Nauunawaan mo na ang mga materyal na ito ay maaaring gamitin nang walang paghihigpit sa oras o lokasyon sa heograpiya, at hindi ka makakatanggap ng anumang kabayaran para sa naturang paggamit. Ang lahat ng mga litrato, recording, at kaugnay na nilalaman na nilikha at nakuha ni San Diego Community Poweray mananatiling pag-aari ng San Diego Community Power.